mabilisan lang to.
nanuod kami ni mader ng "kasal, kasali, kasalo" kahapon. at sa lahat ng filmfest movies na napanood ko, ito ang pinakanakakaaliw. natuwa at natawa ako. salamat sa Diyos! at itong si judy ann, ha! nakakailan na siyang panalo sa akin. take note! angie ang pangalan ng bidang babae. hem, hem!
the story is quite typical, but the dialogue was witty and snappy. the performances were commendable, with judy ann and gina pareno (her mother Belita who makes batotay) leading the pack.
hay salamat! isang matinong pelikula sa filmfest.
* * * * *
the MMFF has been merely a box-office generating body more than anything else. it leaves many viewers no choice but to support Filipino films during the holiday season. which is not a bad thing, but it offers few tasteful choices.
at palala ng palala ang reputasyon ng MMFF every year. hindi pa rin nila binabago ang i-nominate ang lahat na artista na sumali sa mga pelikula sa bawat category. case in point... si loren legarda ay nanominate na for playing herself in "markova." ang mas nakakatawa pa dun... she's playing herself, pero nakampuchang pangit ng acting niya ha. pero pero pero, isa siya sa WALONG nominado for the best supporting actress award.
ito ang kahindik-hindik ngayong taon! napanuod ko sa TV patrol nung isang gabi na ang Enteng Kabisote 3 ang nanalo ng best picture. hep, hep, hep! saang galaxy naman ito naganap? di ko napapanood ang pelikula at nagdadalawang-isip akong manuod bagamat tradisyon ko na ang tangkilikin ang Okay Ka Fairy Ko movie series. Bakit may pagdadalawang-isip? Dahil ang pangit nung last year! Nakampucha. At sa trailer ngayon, ano ang hinaharada nila? Ariel. Di yung singer, yung sabon. Hello!!! At Best Picture siya? Hello.
Kelan ba titigil ang kahibangang ito? Dahil sa pesteng MMFF, di tuloy naipalabas agad ang hinihintay kong ERAGON. Na pangit ang reviews. Na wala akong paki dahil gusto ko ang book. Pero inaamin ko naman na tama sila, para nga siyang "The Lord of the Rings" meets "Star Wars." Sooooo? Best picture naman ang Enteng Kabisote. Nothing can be worse that that in any movie world. Hmph.
Trivia lang ha... 16years old si Christoper Paolini nang simulan niya ang Eragon at around 20 or 21 siya nung natapos niya. Baka inggit lang sila sa kanya. In fairness, mas gusto ko ang book 2, "Eldest." yun lang. bow.
Tuesday, January 02, 2007
filmfest movies II at kung anu-ano pa.
ranting by cross eyed bear at 3:24 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment