Thursday, September 28, 2006

huhuhu! :(

saturday na ang game 2.

shet. gusto ko na malaman ang mga winners ng awards.

gusto ko na matapos ang kakaisip sa laro na ito. medyo nabawasan na nga ang kalokohan ko sa game 1. at nag-move on na sa game 2.

kagabi pa lang iniisip ko na ang susuotin ko.

nung mga alas-siyete y medya ng umaga, blue underwear ang itinabi ko. di baleng medyo may kalandian siya at di terno sa outfit ko. basta blue.


pero hindi! na-move ng saturday. pinalitan ko ng ibang kulay underwear ko, para sa saturday na yung blie set. suot ko na nung na-realize ko na yellow pala undies ko, colors ng ust. okay lang, wala namang game. at blue pa rin t-shirt ko.

kainis. ang sambayanang agila at sambayanang tigre ay nagmumukmok na sa kaniya-kaniyang sulok.

at kung umabot ng game 3, mambubulabog ako sa kabilang baryo ng titirahan ko para makinuod ng dream cable. kabilang baryo! maglo-load pa sila para may cable! at ayaw ako pabayarin. kelangan ko talagang kapalan mukha ko. tsk.

jai. jc. chris. doug. jai. rabeh. zion. marty. eric. jai. emman. ford. ken. johann. at kung sino pang ibang blue eagle diyan... win this for me!

bwahaha!!! asa pang para sa akin yan. win it for school pride, for mama mary, for God! at para wala nang ma-hassle pa sa kani-kanilang trabaho sa lunes.

*****
on the other hand... sana walang mawalan ng buhay dahil sa bagyong ito, Lord. there are more important things in life than basketball games. (pero God, sana manalo pa rin kami ng championship.)

No comments: