Monday, July 17, 2006

pagal



marami ang nabibighani sa ganda ng dapit-hapon. ang saglit na pagtatalik ng araw at ng gabi. ang lahat ay saksi sa mapusok at maapoy na pagtatagpo. at pagkatapos, nilalamon ng dilim ang liwanag. ang mga taong nagmamatyag ay sumusukob sa gawa-gawang liwanag.

tama na ang pagpapanggap. gusto ko na ng bukang-liwayway.

No comments: