my bro texted around 2pm last friday to inform me he was okay and wasn't in glorietta when the bombing happened. and i went, huh? there's a bombing. i'm glad you're safe. what happened? yada-yada-yada.
the news wasn't on inquirer.net nor on philstar.com yet. but jan was able to find the story on yahoo. after reading the story, i was near-angry, especially after the possibility of terrorist threats. if it were an accident... one can only do so much to prevent it. but something as deliberate as a bomb attack... it's plain despicable.
it's despicable when the MRT was bombed. it was more despicable when the superferry was bombed. it was hateful when a kidapawan wet market was bombed killing mostly children. it is hateful when the weena bus line gets hit twice or thrice a year.
pusa nggala sa sinuman ang gumawa ng lahat ng ito! what is the point of hitting civilians who may not even give a care for the religious or political divide that there is? most people are just trying to live their lives as normally as they can without all these macro-drama. most people just go by each day by keeping relationships, earning a living, thinking of their families. most people have nothing to do about cessation or communism or government drama. LEAVE THE CIVILIANS ALONE, YOU d!p$#!+$! magpataasan kayo ng ihi, magpatigasan kayo ng ____, pero mga letse kayo... tigilan niyo kaming walang kinalaman sa gulo ninyo! biktima na kami kahit wala pang bomba... pero para kunin ang buhay namin? ano ang napala niyo? mas masaya ba kayo? nakuha niyo na ba ang mindanao? nakitil niyo ba ang buhay ng gobyerno? nasupil ba ang mga kalaban? naayos niyo ba ang buhay ng mga mamamayan? ano? WALA PA RING NANGYAYARI!!! KAHIT ILANG BOMBA PA IPASABOG NINYO, WALANG MANGYAYARI! KAYA TIGILAN NIYO NA KAMI!
* * * * *
update (evening on the day of this entry)
i may have come across harshly against our muslim brothers. i apologize. this statement was meant for muslim extremists, NPAs and especially to the government. like i replied to diane, 80% of me thinks the government has something to do with what happened. this anger is aimed at anyone who uses violence and terrorism as a way to get a point across. my heart goes to all the victims and their families who have perished in similar incidents like the glorietta bombing. and i pray that my friends and family and myself are kept away from harm.
Thursday, October 25, 2007
post-glorietta bombing entry
ranting by cross eyed bear at 12:19 PM
Labels: emotions, glorietta bombing, issues
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
nakuha niyo na ba ang mindanao?
--
nalungkot ako sa linyang ito... alam kong pareho nating ikinalungkot at ikinagalit ang mga pangyayari pero nalungkot pa rin ako sa linyang ito.
napanood o narinig mo ba sa balita 'yung taong (sheik omar kuno!) umamin na sila (rajah sulayman group) daw ang gumawa ng pagbomba? maraming nagduda na hoax lang daw 'yun. meron din namang naniwala. ito ang sa akin, kung pakikinggan ng mabuti 'yung pagsasalita ng taong 'yun, malinaw na hindi talaga muslim 'yun. 'yung exaggerated na muslim accent na ginagawa ng mga non-muslim kapag nagbibiro o nang-aasar, 'yun bang accent na mala-bombay na hindi ko alam, ganu'n ang accent ng taong tumawag. anybody who's not tone-deaf would know that. trying hard at hindi tama 'yung accent eh. hindi meranao, tausug, magui or any muslim group sounding. kung balik-islam naman, wala naman silang accent eh.
nakakalungkot kasi maraming tao na nagsasabing muslim sila pero dinudumihan lang nila ang pangalan ng mga muslim at mga taga-mindanao na katulad din ng karamihang pilipino na ang gusto lang ay mabuhay ng payapa kasama ang mga mahal sa buhay. mas nakakalungkot at nakakapanggalaiti ang ibang mga tao na ginagamit ito, gagawa ng masama dahil alam nilang agad na pagsususpensiyahan at paparatangan ay mga muslim. at, ang mga tao namang walang kaalam-alam o walang kinalaman, agad ding kakagat o maniniwala sa gusto ng mga taong ito.
mahalagang patuloy nating pagnilay-nilayan ang mga pangyayari sa paligid natin at pag-isipan, pag-aralan ang sitwasyon. kung pwede balikan natin ang nakaraan. lalabas at lalabas din ang totoo.
kasama mo ako sa pagsumpa sa mga letseng taong may gawa ng lahat ng ito! balang araw, makikita din nila ang hinahanap nila!
ipagdasal natin ang ating bayan!
:)
hi, diane. i apologize if you got the wrong impression. i meant the entry for both the muslim extremists AND the government. i guess i didn't refer to the government as much (nasupil ba ang mga kalaban?) as i should have. again i apologize.
to tell you frankly, i am 80% inclined that the government had a role to play in this.
yes, let's pray for our country and to the victims of all the past tragedies
Oo nga. Leave the civilians alone. Ewan ko ba kung bakit di nila naisip ito. Kasi kung naisip nila, at ginawa pa rin nila, ibig sabihin eh.... ayoko nalang isipin. Mas nakakalungkot pa.
hi anj! you didn't need to apologize. lam ko namang bugso lang ng damdamin ang sinulat mo at tunay nga namang nakakagalit ang pangyayari.
'yung akin naman ay reaksiyon lamang sa isang linya na ikinalungkot ko. ang mga tao kasi na edukado, nakita at naranasan kung paano manirahan sa mindanao, at kahit paano'y naiintindihan ang sitwasyon-- mga taong katulad mo ay kabilang sa tangi naming pag-asa na malaman at maintindihan ng lahat ang sitwasyon sa mindanao at naming mga muslim.
padayon lang ta, bai!:)
salamat sa pag-unawa, babypink. matagal pa ang ating mapayapang laban para sa kalayaan. pero susubukan. :)
Post a Comment